250 halaga ng shabu narekober sa bayan ng Talitay Maguindanao

Maguindanao, Philippines – Narekober ng pinagasanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM, Army’s 19th Infantry Battalion, at 36th Military Intelligence Company ang nasa mahigit 250 libong pisong halaga ng dried marijuana at shabu sa inilunsad na raid sa isang bahay sa Barangay Kilalan, Talitay, Maguindanao.

Kinilala naman ni PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin ang may-ari ng bahay na si Salindab Abdullah alyas Bado Saptok na nakatakas matapos matunugan ang parating na raiding team kamakalawa.

Naiwan ni Abdullah sa kanyang bahay ang 46 na pakete ng dried marijuana leaves may bigat na isang daang at may street value na apat na libong piso; apat na pakete ng shabu na may bigat na 50 gramo na nagkakahalaga ng 250 libong piso.


Sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation ng militar laban kay Abdullah na.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments