250 PAMILYANG INILIKAS SA MACONACON, NABIGYANG NG FOOD PACKS

CAUAYAN CITY- Napamahagian ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Cagayan Valley Field Office ang mga pamilyang inilikas sa coastal areas ng Isabela.

Tinatayang nasa dalawang daan at limampung pamilya ang inilikas sa bayan ng Maconacon kung saan nakatanggap ang mga ito ng family food packs.

Pansamantalang nanunuluyan sa walong evacuation centers ang mga evacuees matapos ang isagawang forced evacuation ng Lokal na Pamahalaan dahil sa banta ni Bagyong Marce.


Matatandaan namang inilikas rin ang mahigit isang daang indibidwal sa bayan ng Divilacan dahil na rin epekto ng bagyo.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang monitoring at pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng Maconacon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Facebook Comments