Umabot sa 250 Pangasinense na nagbalik trabaho at eskwela ang naserbisyohan ng libreng sakay mula sa provincial government ng Pangasinan noong linggo.
Bumiyahe ang mga bus mula Lingayen, Urdaneta, at Rosales patungong Baguio at Metro Manila.
Apat na provincial bus din ang naunang lumarga mula Baguio pauwing Lingayen at Rosales noong December 24.
Lalaking pasasalamat ng mga komyuter dahil malaking kabawasan umano ang pamasahe nila pabalik sa Maynila at Baguio sa kanilang budget.
Mainam rin umano na naabutan nila ito dahil hindi na rin sila nakasama sa mga nakipagsiksikan sa mga humabol rin sa byahe ng mga bus terminals. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments