250 repatriated Filipinos mula sa Kuwait, darating sa bansa ngayong araw

Aabot sa 250 Pilipino mula sa Kuwait ang darating sa bansa ngayong araw.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, dumaan ito sa repatriation matapos humingi ng tulog sa gobyerno ng Pilipinas na makauwi sa bansa.

170 sa mga ito ay domestic at company workers habang Migrant Workers at Other Overseas Filipinos Resources Center (MWOFRC) ang 80 iba pa.


Sa kabuuang 250 Pinoy, 200 sa mga ito ay sinagot ng employer at kumpanya ang gastos sa pamamagitan ng Qatar Airways flight.

Facebook Comments