
Nakinabang ang humigit-kumulang 250 residente ng Brgy. Bolaoen, San Fabian, Pangasinan sa isinagawang PNP Community Outreach Program at Health Caravan ng 104th Maneuver Company, RMFB1 katuwang ang isang humanitarian organization.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang libreng gupit, supplemental feeding, medical at dental consultation, at pamamahagi ng gamot.
Nagsagawa rin ng bloodletting at blood typing para sa mga boluntaryong kalahok.
Bukod sa serbisyo, nagkaroon din ng Basic Life Support lecture at drill bilang bahagi ng aktibidad.
Kaugnay nito, nauna nang nagsagawa ang parehong yunit ng kahalintulad na health caravan noong Pebrero 2026 sa Alcala, Pangasinan kung saan naghatid din ng libreng serbisyong medikal at iba pang community assistance sa mga residente.
Ayon sa 104th Maneuver Company, isinagawa ang programa bilang bahagi ng patuloy na community outreach efforts ng mga nasabing ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










