Magkakasabay na nagsagawa ng River Clean-Up ang tatlumpu’t-isang barangay sa Dagupan City alinsunod sa programang ‘Ilog, Irog ko sa Pasko.’
Bahagi ang naturang aktibidad ng inilatag para sa pagdiriwang ng City Fiesta ngayong taon. Sa Barangay Calmay, pagbabahagi ni Brgy. Captain Joven Salayug, nasa dalawang daan at limampung sako ng basura ang nakolekta ng mga nakakatulong sa paglilinis sa kahabaan ng Calmay-Pangasinan River.
Nilahukan ito ng tatlumpung mga Food for Work beneficiaries at iba pang residente sa barangay.
Samantala, magpapatuloy ang river clean-up sa mga barangay hanggang sa mga susunod na araw upang masiguro ang kalinisan ng mga kailugan sa lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments