2,500 NA BHWs AT CVOs SA BAYAN NG MALASIQUI, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL MULA SA DSWD

Matagumpay na napamahagian ang libu-libong mga Barangay Health Workers at Civilian Volunteer Organization sa bayan ng Malasiqui ngayong araw ng Huwebes, ika-24 ng Agosto.
Pinangunahan ang naturang distribusyon ng tulong pinansyal ni Senator Bong Revilla katuwang ang Department of Social Welfare and Development o DSWD kung saan kabuuang 2, 500 na kabilang sa BHWs at CVOs ang benipisyaryo.
Natanggap ng mga ito ang tig-isang libong Piso mula sa mga nabanggit na ahensya at sa ilalim din ng programang Assistance to Individuals in Crisis ng ahensya.

Isa lamang si Jaime De Vera, siyam na taon ng CVO sa Brgy. Waig, sa nasabing bayan na nakatanggap ng tulong pinansyal kung saan aniya malaking tulong na ito pambili ng makakain ng kanyang pamilya.
Aniya pa, nagpapasalamat siya sa mga nakakaisip sa kagaya nila na kahit CVO lang sila ay nabibigyan pa rin sila ng kaunting tulong.
Nangako naman ang panauhing pandangal na si Sen. Revilla na babalik siya sa probinsiya sa mga susunod na linggo upang mamigay pa ng tulong sa mga hindi pa nabibigyan.
Layunin ng pagbisita ng Senador ay upang makamusta ang kalagayan ng mga Pangasinense at makapagbigay ng nasabing tulong sa mga residente. |ifmnews
Facebook Comments