2,500 na manggagawa sa NAIA Terminal, tumanggap na ng unang dose ng COVID vaccine

Nasa 2,500 na mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay mula sa first at second batch ng pagbabakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Kahapon, sumalang na rin sa pagbabakuna ang ikatlong batch ng MIAA workers na umaabot sa 1,500


Ayon kay Dr. Roberto Salvador, Deputy Director ng Bureau of Quarantine sa NAIA, 7,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nakalaan sa MIAA employees.

Bukod pa aniya ito sa paparating pang mga bakuna sa susunod na buwan.

Sa June 30 ay sasalang na rin sa second dose ng vaccination ang unang batch ng mga empleyado ng MIAA.

Facebook Comments