Isang matamis na sorpresa ang bumungad sa mga mallgoers ng SM City Urdaneta Central nitong Lunes matapos ipamahagi ang 2,500 piraso ng pastries kabilang ang cupcakes, ensaymada at buko pies.
Hindi lang pagkain ang bida sa pagtitipon kundi pati ang diwa ng pagtutulungan, nang magsama-sama ang mga estudyante, guro, magulang, mall partners at mamimili upang suportahan ang aktibidad.
Naghandog din ng masiglang pagtatanghal ang ilang estudyante na nagdagdag kulay at kasiyahan sa kapaligiran ng mall.
Ayon kay Mall Manager Abraham Malicdem, ang proyekto ay hindi lamang simpleng kainan kundi isang hakbang upang kilalanin ang husay ng mga lokal na negosyo at mahikayat ang publiko na tangkilikin ang sariling atin.
Sa huli, masayang pinagsaluhan ang 2,500 pastries bilang simbolo ng pagkakaisa at patuloy na suporta sa mga Micro Small & Medium Enterprises (MSME) ng Pangasinan.
Facebook Comments









