25,000 BANGUS, SABAY-SABAY NA IIHAWIN SA KALUTAN ED DALAN – BANGUS FESTIVAL 2025

Aabot sa 25, 000 na mga bangus ang nakatakdang sabay-sabay na iihawin sa magaganap na Bangus Festival – Kalutan ed Dalan 2025 ngayong araw – na siya ring highlight ng naturang selebrasyon.

Nauna nang inihayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na bago pa ang pagdiriwang ang sapat na suplay na bangus na tampok sa pagdiriwang.

Puspusan din ang naging paghahanda ng LGU Dagupan na muling maging matagumpay ang world-renowned Bangus Festival sa Dagupan City.

Handa na rin ang hanay ng kapulisan, mga POSO personnels, at iba pang mga ahensya upang umantabay sa magiging sitwasyon at at matiyak ang kapayapaan at kaayusan ng selebrasyon.

Inaasahan ang pagdagsa ng libo-libong bisita at turista na makikisaya sa kapistahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments