25,000 barangay, nakapagtayo ng community garden sa ilalim ng “Kalinisan Day” campaign ni PBBM

Courtesy: Imelda Nailgas Ochavo | Facebook

Umaabot na sa 25,000 barangay sa buong bansa ang nakapagtatag na ng community gardens sa ilalim ng “Kalinisan Day” campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y mula ng ipatupad ang programa noong 2023 kung saan bawat barangay ay inatasan na magtanim ng mga gulay sa ilalim ng Memorandum Circular No. 41.

Sa ilalim ng naturang Memo Circular 41, bawat barangay ay mamamahagi ng mga seedlings sa mga constituent nito kung saan nasa 18 iba’t ibang klase ng gulay ang itatanim na ibinase sa kantang “Bahay Kubo”.


Ang pondo naman na gagamitin sa proyekto ay magmumula sa budget ng barangay at hindi sa national government.

Sa pahayag naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan ng naturang proyekto ay maaaring maresolba ang ilang mga problema tulad ng kalinisan, kagutuman, kahirapan, kalusugan, kalikasan, climate change at global warming.

Una namang iginiit ni Pangulong Marcos na ang pagpapaunlad sa bawat komunidad ay hindi lamang dapat nakasentro sa kalinisan kundi maging sa kapakanan ng mga bata, pagpigil sa krimen, climate change adaptation, pagresolba sa mga alitam, pag-unlad sa mga megosyo at usapin sa kalusugan ng bawat isa.

Facebook Comments