Tinatayang nasa 25,000 manggagawa sa buong bansa, ang apektado ngayon ng umiiral na Alert Level 3 at 4, laban sa COVID-19.
Ito ayon kay Labor Asec. Dominique Tutay ay base sa hawak nilang datos as of January 23.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng opisyal na ang mga manggagawang ito ay permanenteng nawalan ng trabaho o pansamantalang nagsara ang kanilang lugar paggawa.
Ang mga ito aniya ang eligible na tumanggap ng one-time financial assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP 3) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nasa isang bilyong pisong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa programang ito, at huhugutin mula sa 2022 budget ng departamento.
Nagsimula na aniya silang tumanggap ng aplikasyon para sa CAMP 3 nitong ika-24 ng Enero.
Samantala, nasa higit 30,000 manggagawa naman mula Alert Level 3 and 4 areas ang nasa ilalim ng flexible work arrangement.