Pormal nang nanungkulan bilang bagong Commander ng 250th Presidential Airlift Wing si Col. Loreto Pasamonte na dating Deputy Wing Commander ng 300th Air Intelligence and Security Wing.
Ang Change of Command Ceremony ay pinangunahan ni Air Mobility Commander Major General Joannis Leonardi Dimaano, sa Villamor Air Base, Pasay City.
Pinalitan ni Col. Loreto si Brig. General Aldrin Annani na itinalaga namang bilang Deputy Commander ng Air Logistics Command.
Ito’y matapos na italaga ang dating Deputy Commander ng Air Logistics Command na si Brig. General Jesus Nelson Morales, bilang bagong commander ng Presidential Security Group.
Ayon kay Dimaano, ang pagpapalit ng tungkulin ay pagkakataon para sa personal at propesyonal na pag-unlad na magbebenepisyo din sa organisasyon.