Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 252 health workers na sa bansa infected ng COVID-19.
152 sa mga nahawaan ng virus ay mga doktor habang 63 ang nurses.
Ayon kay Dr. Beverly Ho ng DOH, tumutulong na rin ngayon ang Local Government Units (LGUs) contact tracing kabilang na ang barangay health response team.
Pinayuhan din ng DOH ang mga doktor na maging maingat sa pagsusuri sa mga pasyente dahil magkapareho, anila, ang sintomas ng dengue at COVID-19.
Inamin din ng DOH na masyado lang maaga para sabihin na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Tiniyak din ng DOH na sa Linggo, April 12, target nila ang zero encoding backlogs.
Sa ngayon, anila, pawang incomplete ang kanilang natatanggap na datos sa COVID-19 kaya isa-isa nilang tinatawagan ang mga hospital para makuha ang information.
Iniulat din ng DOH na ino-obliga nila ang laboratories na mag-submit ng lab results sa online.
Ngayong araw ay magpapalabas din, aniya, ang DOH ng mga panuntunan sa coronavirus testing.