Tumanggap na rin ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine ang aabot sa 258 na bilang ng mga opisyales at kawani ng Department of Transportation (DOTr).
Isinagawa ito sa vaccination activity sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., nasa 516 personnel ang boluntaryong nagparehistro sa vaccination. Gayunman, hindi nakapasa sa criteria/assessment ang dalawampu’t tatlong iba pa.
Ang second batch, o ang para sa 258 na DOTr personnel ay itinakda sa susunod na linggo pagkatapos ng pre-assessment.
Based sa tala ng DOTr Medical Unit, nasa 282 na DOTr personnel ang nagpositibo sa COVID-19 simula noong July, 2020.
Sa ngayon, mayroong tatlong active cases; 276 na nakarekober at tatlong pumanaw.