Dahil sa layuning makatulong sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Egay na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang bayan sa Pangasinan namahagi ang isang pribadong kumpanya ng libo-libong kilos ng manok para sa mga biktimang Pangasinense.
Matagumpay na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang kabuuang 25, 000 na piraso ng dressed na manok kung saan ito ay nagmula sa inisyatiba ng kumpanyang Bounty Fresh Food Incorporated mula sa Taguig City para sa mga lubhang naapektuhan ng nagdaang sakuna sa lalawigan.
Dito ay prayoridad na bibigyan ang mga pamilyang lubhang nasalanta ng mga sakuna mula sa iba’t ibang bayan kung saan nagsimula na sa ipinamahagi sa mga LGU sa Probinsiya ang mga donasyong manok mula sa nasabing kumpanya.
Ayon kay Dr. Ebelita Cudiamat Rosario, Assistant Vice President ng BFFI, layunin umano ng kanilang pamamahagi ay upang mabayaran ang suporta ng kanilang mga customers mula sa probinsya.
Matatandaan na nagkaroon ng MOA signing kamakailan ang probinsiya at ng Bounty Fresh Food Incorporated na magkakaroon ng buwanang donasyong 2, 000 kilos ng manok ang kumpanya sa probinsiya para sa outreach program ng pamahalaan.
Samantala, sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dr. Rosario, asahan na magkakaroon pa ng karagdagang donasyon ang kanilang kompanya sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments