Umabot na sa 26.9 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll para sa school year 2021-2022.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang kahapon, September 16… 20,594,122 ito ng mga nasa pampublikong paaralan; 1,765,385 ng mga nasa pribadong paaralan at 53,351 ng nasa State universities and colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).
Nangunguna pa rin ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) at buong Region 4-A sa may pinakamataas na bilang ng mga nakapag-enroll na nasa 3,522,881.
Sinundan ito ng Central Luzon (Region 3) na may 2,640,474 at National Capital Region (NCR) na may 2,472,449.
Sa ngayon, pinalawig pa hanggang September 30, 2021 ang panahon ng enrollment para maraming mag-aaral ang makapag-enroll.