26 na mga pulis, nadagdag sa mga infected ng COVID-19

Dumarami ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 1,564.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office kahapon, panibagong 26 na pulis ang nagpositive sa COVID-19.

20 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 2 sa Police Regional Office (PRO) 7, isa sa PNP-CALABARZON, isa sa PNP-Cordillera, isa sa Special Action Force at isa PNP-Maritime Group.


Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 608 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 723 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 1,604 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa siyam ang pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments