*Cauayan City, Isabela*-Nasampolan ang ilang motorista kaugnay sa implementasyon ng OPLAN LOVELIFE na inilunsad ng Isabela Police Provincial Office.
Ayon kay P/Capt. Glanery Cabeliza, Hepe ng PNP Benito Soliven, layunin ng nasabing programa ay mas lalong maghigpit sa batas trapiko sa mga pangunahing lansangan sa buong probinsya.
Sinampolan ang nasa 26 na motorista kabilang ang 19 na walang suot na helmet o safety gear habang 7 naman ang walang Oplan Visa.
Maliban dito, naglatag din ng checkpoint ang PNP Benito Soliven laban sa pagpasok ng African Swine Fever.
Pinaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na gumagamit ng agriculture machineries sa mga pambansnag lansangan na maglagay ng reflectorized sticker para maiwasan ang ilang insidente.
Facebook Comments