
Hindi nakaligtas ang 24 na police stations at dalawang headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa pananalasa ng Bagyong Uwan .
Sa tala ng ahensya ang mga nasirang police stations ay mula sa Police Regional Office (PRO) 2, PRO 5, PRO 6, at PRO 8.
Kung saan ang ilan sa mga nasabing station at headquarters ay natuklap ang bubong, bumagsak ang kisame, at nabasagan ng salamin.
Ayon kay Police Community Relations Dir. BGen. Vina Guzman, nasa 27 uniformed personnel at isang non-uniformed personnel ang naiulat na nasiraan ng bahay dulot ng Bagyong Uwan.
Tiniyak naman ng PNP na mabibigyan ng kinakailangang tulong ang mga apektadong kawani nito.
Facebook Comments









