26 na pulis, nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

32

Nadagdagan pa ang mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 4,429.

Batay sa ulat ng Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ay may panibagong 26 na mga pulis ang infected ng COVID-19.

17 sa mga nagpositibo ay nakatalaga sa National Administrative Support Unit, lima sa National Operation Support Unit, tatlo sa National Headquarters at isa sa PRO-4A.

Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 3,107 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 757 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 3,067 na pulis ang suspected cases ng COVID-19.

Nanatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments