26 na residente ng Muntinlupa, nagbenepisyo ng ‘Deliver to Recover’ program

Nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang 26 na mga residente nito sa ilalim ng Deliver to Recover program, kung saan layunin nito na mabigyan ng pangkabuhayan at tulong pinansyal ang displaced worker ng lungsod dahil COVID-19 pandemic.

Sa pamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod, nabigyan ng trabaho ang nasabing 26 na mga indibidwal bilang Grab drivers.

Maliban dito, nakatanggap din sila ng Grab uniforms, food insulated box, P2,500 na halaga ng e-wallet credit, at P2,500 cash assistance bilang initial cash revolving fund, ang kabuuang halaga nito ay P7,500.


Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, target nilang mabigayan ang 500 mga indibidwal na residente ng lungsod na nawalang ng trabaho ng dahil sa pandemya.

Kaya naman, payo niya sa mga residente ng lungsod na interesado na mapasali sa nasabing programa na makipagugnayan lang sa tanggapan ng PESO.

Matatandaan, noong November 5 ngayong taon ay inilunsad ang Deliver to Recover program ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa katuwang ang tanggapan ni Congressman Ruffy Biazon at Grab Philippines.

Facebook Comments