Nakapagtala ng 26 na pagyanig o volcanic quake sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot sa 50 meters na mahihinang steaming activity ang na-monitor bago ito mapadpad sa hilagang kanluran at timog silangan ng bahagi ng Daang Kastila trail.
Nakataas ngayon ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.
Pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa itinalagang Taal Volcano Permanent Danger Zone dahil sa banta ng mga minor ashfall at pagbuga ng volcanic gas.
Facebook Comments