Nagdadalawang-isip ang 26% o katumbas ng 12, 206 na guro sa Ilocos Region ang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ng Department of Education Region 1 sa isinagawang Virtual Press Conference.
Ayon kay Darius Nieto, ang Project Development Officer IV ng Department of Education Region 1, nagpapatuloy ang isinasagawang information and educational campaign sa mga guro sa rehiyon ukol sa bakuna sapagkat binigyan ng Emergency Use Authority o EUA ang mga bakunang ginagamit sa bansa na maituturing na ligtas na iturok sa isang indibidwal.
Sa datos ng kagawaran kinakailangang bakunahan ang 48, 807 na teaching personnel sa rehiyon.
Sa kasalukuyan nabigyan na ng unang dose ng bakuna ang 249 na guro dito at 25 na ang naka kumpleto ng kanilang COVID-19 Vaccine.
Sa non-teaching personnel 226 ang nabigyan ng unang dose at 179 ang fully vaccinated na.
Upang mawala umano ang agam-agam ng mga guro , sinabi ni Nieto na maaring magpunta sa mga medical officer ng kagawaran o sariling doctor upang malinawan ukol sa covid-19 vaccine.