26 pasahero ng nasirang barko sa Siquijor, nasagip ng PCG

Photo courtesy: Philippine Coast Guard

26 na pasahero ng isang nasirang barko ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Siquijor.

Ayon sa PCG, nangyari ito isang nautical mile ang layo mula sa Port of Larena.

Patungo sana ng Tagbilaran, Bohol ang MV APEKOP 2 nang makaranas ng problema sa makina ang barko.


Agad namang nagtungo ang BRP Cape San Agustin para magsagawa ng rescue operations.

Matapos alamin ang kondisyon ng mga pasahero, agad na hinatak ng Coast Guard ang barko patungong Larena Port para sa kinakailangang pagsasaayos.

Facebook Comments