26 POTENTIAL DIVING SITES SA ILOCOS REGION, TINUTUTUKAN

Posible pang madagdagan ang diving spots sa Ilocos Region matapos madiskubre ang ilang pang bahagi ng mga baybayin sa rehiyon.
Ayon sa Department of Tourism Region 1, 26 na potential diving spots ang tinutukan ngayon ng tanggapan mula sa Currimao, Ilocos Norte, Northern Circuit ng La Union at kalakhang Western Pangasinan.

Ngayong Abril nakatakdang magsagawa ng monitoring ang tanggapan sa mga nabanggit na bahagi ng rehiyon upang malinang ang katuparan nitong maging diving spot.

Sa kasalukuyan, ilan sa mga kinikilalang diving sites sa Ilocos Region ang Suso Fish Sanctuary sa Ilocos Sur, Nalvo Dive Site, at Lingsat Dive Site sa La Union.

Facebook Comments