26 Wanted Person sa Rehiyon Dos, Nalambat Na!

166

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Nahuli na ang dalawampu’t anim (26) na katao sa isinagawang sabay-sabay na operasyon ng “Oplan Manhunt Charlie” o sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Rehiyon Dos noong Marso 5, 2018.

Ang mga nahuli ay kinilalang sina Christopher Ferrer, 31 anyos at residente ng Buenavista, Santiago City sa kasong Paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, Henry Tadeo, 46 anyos, residente ng Dagupan, Allacapan, Cagayan, Ronald Urian, 37 anyos, residente ng Brgy. Daan-lli, Allacapan sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries, Carmelito Bidayan, 42 anyos, residente ng Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela, Russell Barbieto, 32 anyos, residente ng Pengue, Tuguegarao City sa kasong Estafa, Roger Rivera, 27 anyos at Jaime Rivera, 60 anyos at pawang mga residente ng Minante 2, Cauayan City, Isabela sa kasong Crime of Slight Physical Injuries.


Nahuli rin sa kasong Grave Threats sina Eric Marcos, 30 anyos, Dominador Marcos, 52 anyos, Ronnie Colcol, 35 anyos, Yolly Tumolya, 30 anyos, Ronnie Ramiro, 30 anyos, Jorge Jacinto, 51 anyos, Joel Jacinto, 47 anyos na pawang mga residente ng Luna, Isabela at Reggie Mina, 19 anyos, residente ng Dupax Del Norte, Nueva Viscaya sa kasong Attempted Murder.

Samantala, ilan din sa mga naaresto sa kasong Estafa ay sina Michael Castillo, 31 anyos, residente ng Bolinao, Aurora, Isabela, Alvigeno Guttierez, 24 anyos, residente ng Cauayan City, Isabela, Jeus Casim, 23 anyos, residente ng Aurora, Isabela, Erlinda Tangalin, 23 anyos, residente ng Cauayan City, Isabela, Ronald Ramento, 22 anyos, residente ng Alicia, Isabela, John Kenny Dela Cruz, 24 anyos, residente ng San Isidro, Isabela at Arnold Layno, 23 anyos at residente ng Ramon, Isabela.

Nahuli rin ang Top 4 Most Wanted person ng San Mateo Municipal level sa kasong Paglabag sa RA 9165 na si Eddie Bedillo, 35 anyos, Richard Flores, 38 anyos, residente ng Sta. Ana, Cagayan sa kasong Concubinage at John Balabbo, 34 anyos, residente ng Sta. Maria, Isabela sa kasong Panggagahasa.

Pinuri at ikinatuwa naman ni PRO2 Regional Director, PCSUPT Jose Mario Espino ang pagkakahuli ng dalawampu’t anim na mga suspek.




Facebook Comments