Umabot na sa higit 26,000 kilometrong kalsada ang naipatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng Duterte Administration.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kabuoang 26,494 kilometrong kalsada ang ginawa noong 2016.
Sakop nito ang mga kalsadang ginawa, napanatili, pinalawak, in-upgrade at ni-rehabilitate.
Sa kabila ng COVID-19 pandemic, kumpiyansa si Villar na ang mga mahahalagang proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program ay maihahatid pa rin sa tamang oras.
Wala aniyang pagbabago sa targets kahit may pandemya.
Nasa ₱4.7 trillion ang target gastusin ng pamahalaan para sa mga infrastructure projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Facebook Comments