262 Indigenous People sa Lalawigan ng Quirino, Tumanggap ng Hygiene Kit

Cauayan City, Isabela- Masayang tinanggap ng 262 na mga Inidigenous People (IP) mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Quirino ang ipinagkaloob na hygiene kit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng lokal na pamahalaan.

Naipaabot ang nasabing tulong sa suporta at pakikipagtulungan ng NCIP Quirino at Community Support Program (CSP) Team ng 86th Infantry ‘Highlander’ Battalion ng 5th ID, Philippine Army.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SSg Benjie Maribbay ng 86th IB, ang kabuuang 262 na IP’s ay kinabibilangan ng Agta, Bugkalot at Tuali na galing sa ilang mga barangay ng bayan ng Diffun, Cabarroguis, Maddela at Nagtipunan sa Lalawigan ng Quirino.


Nakatanggap ang mga ito ng tig-isang timba na naglalaman ng bath soap, laundy soap, tooth brush, tooth paste, nail cutter, shampoo, suklay, sanitary napkins at shaving razor.

Ayon pa kay SSg Maribbay, ang naturang aktibidad na isinagawa noong ika-18 hanggang 20 ng Agosto taong kasalukuyan ay bahagi ng Whole-of-Nation Approach na isinusulong ng pamahalaan na layong makatulong, magbigay ng serbisyo sa mamamayang Pilipino at matuldukan ang problema sa insurhensya sa ating bansa.

Facebook Comments