
May mahigit 200 biktima ng road crash ang naitala ng Department of Health (DOH) sa loob ng anim na araw.
Batay sa datos ng DOH, umabot sa 263 ang kabuuang kaso ng road crash injuries mula December 21 hanggang ngayong umaga ng December 26.
Ito ay matapos makapagtala ng 62 karagdagang kaso, kung saan dalawa ang napaulat na nasawi.
Sa kabuuang bilang, 31 kaso ang posibleng may kaugnayan sa pag-inom ng alak, 224 ang may kinalaman sa hindi pagsusuot ng helmet o seat belt, habang 193 ang sangkot ang motorsiklo.
Ayon sa Health Department, mas mababa ito ng pitong porsyento kumpara sa naitalang bilang sa kaparehong panahon noong 2024.
Facebook Comments










