263 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 263 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Bahagya itong mas mataas sa 203 na bagong kaso na naitala kahapon.

67% o 177 sa mga bagong kaso ay naitala sa pagitan ng December 7 hanggang 20, 2021.


Kaugnay nito, sumampa na sa 2,837,730 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa pero 9,592 na lamang dito ang active cases.

Sa bilang ng mga aktibong kaso, 473 ang asymptomatic; 3,569 ang mild; 3,375 ang moderate; 1,797 ang severe at 378 ang critical cases.

Umakyat naman sa 50,784 ang kabuuang COVID-19-related deaths matapos na madagdagan ng 45.

Habang 390 ang mga bagong gumaling para sa 2,777,354 total recoveries.

Facebook Comments