Nagdeploy ng kabuuang 263 personnel ang Coast Guard District Northwestern Luzon bilang bahagi ng paghahanda ngayong Semana Santa.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng mga biyahero kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa rehiyon.
Ayon sa tala alas-sais ng gabi kahapon, Marso 31, umabot sa 979 outbound passengers at 2,038 inbound passengers ang naitala sa lahat ng mino-monitor na pantalan.
Bilang bahagi ng umiiral na safety measures, nagsagawa rin ang distrito ng inspeksyon sa 81 sasakyang-dagat at 83 motorbanca upang matiyak ang pagsunod sa maritime safety standards.
Mananatili namang naka-heightened alert status ang lahat ng Coast Guard stations at sub-stations hanggang Abril 5, 2026.
Pinapayuhan ang mga manlalayag na manatiling updated at makipag-ugnayan sa Coast Guard District Northwestern Luzon o sa pinakamalapit na Coast Guard station o sub-station para sa mga katanungan at iba pang impormasyon kaugnay ng Semana Santa at summer vacation sa Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










