Binigyang diin ni Albay Representative Joey Salceda at Senator Sonny Angara ang kahalagahan ng pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) upang mapagbuti ang kahandaan ng bansa sa oras ng kalamidad o sakuna.
Ito ay kasunod ng serye ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Ayon kay Salceda – muli niyang inihain ang panuklang bubuo sa DDR o House Bill 30.
Aniya, ang unang goal ay ‘zero casualty’ sa oras ng kapahamakan.
Sinabi naman ni Angara – may mga paksang kailangang talakayin ng mga senador hinggil sa panukala.
Kabilang na rito ang pagbuo ang national fleet para sa disaster response ships at ang kawalan ng localized emergency text system.
Sa ilalim ng panukala, ang DDR ay national government agency na tututok sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.
Trabaho rin ng DDR ang oversee at coordinate sa preparation implementation, monitoring, evaluation disaster at climate resilience plans, programs at activities.
Una nang nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte nitong ika-apat na State of the Nation Address (SONA) na pabilisin ang pagpasa sa panukala ngayong 18th Congress.
Matatandaang naaprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara pero bigong nakalusot sa Senado dahil sa kakapusan ng oras.