264 na labi ng mga OFWs, napauwi na sa bansa

24

Umabot na sa 264 na mga labi ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi na sa bansa, simula nang magkaroon ng Coronavirus pandemic.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, 170 rito ay nasawi dahil sa COVID-19 na naiuwi sa isinagawang apat na mass repatriation efforts.

Aniya, inabot ng isang buwan bago napauwi ang labi ng mga nasawing OFWs dahil sa mga restrictions na ipinatutupad ng iba’t ibang bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments