Kinumpirma ng Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center at ng UP- National Institutes of Health ngayon ang karagdagang 266 na kaso ng UK variant o B.1.1.7 variant.
351 din ang naitalang bagong kaso ng South African variant o B.1.351 variant cases, habang 25 ang bagong kaso ng Philippine variant o P.3 variant.
Ang naturang bagong mga kaso ng 3 variants ay mula sa 752 samples na isinailalim sa genome sequencing noong nakaraang linggo.
Sa kabilang dako, wala namang nadetect ang DOH na bagong kaso ng Brazil variant o P.1 variant.
Muli namang hinimok ng DOH ang mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategist sa kani-kanilang nasasakupan.
Umapela rin ang DOH sa publiko na mahigpit na sundin ang pairalin ang minimum public health standards at supprtahan ang National Vaccination Program ng pamahalaan.