Alas-otso y media ng umaga nagsimula ang botohan sa loob ng Manila City Jail at natapos ng ala-una y media ng hapon.
Isinagawa ang pagboto sa chapel ng Manila City Jail.
Ayon kay BJMP-Manila Spokesman Capt. Jay Rex Bustanera, umabot sa 266 inmates ang nakaboto na pawang mga lalaki.
Ang pagboto ng mga bilanggo ay nakasentro lang sa senador at party list.
Ang proseso ay inobserbahan ng mga kinatawan ng Commission on Elections o Comelec, Parish Pastoral Council for Esponsible Voting at Commission on Human Rights (CHR).
Ang boto ng mga bilanggo ay iningatan ng Comelec at dinala sa pinakamalapit na polling center para ipasok sa vote counting machines (VCM).
Facebook Comments