Aabot sa 267 senior citizens mula sa Dagupan City ang nakatakdang tumanggap ng cash grant mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa pamamahaging gaganapin sa Oktubre 23, Huwebes, alas-8 ng umaga sa Emerald Hall, Stadia, Lucao District.
Sa ilalim ng programa, ₱10,000 ang ibibigay sa mga octogenarian (80–89 taong gulang) at nonagenarian (90–99 taong gulang), habang ₱100,000 naman ang nakalaan para sa mga centenarian (100 taong gulang pataas).
Layunin ng inisyatiba na kilalanin ang mahabang pamumuhay at naging ambag ng mga nakatatanda sa komunidad.
Bahagi rin ito ng mga hakbang ng NCSC upang maipakita ang pagpapahalaga at patuloy na suporta sa mga senior citizens sa bansa.
Facebook Comments









