269 na provincial P2P buses, pinayagan na ng LTFRB na bumiyahe sa sampung binuksan na ruta

Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 10 ruta para sa 269 Provincial Point-to-Point Public Utility Bus na bibiyahe palabas at papasok ng Metro Manila simula ika-21 ng Disyembre 2020.

Sa inilabas na Memorandum Circular (MC) 2020-082 ng LTFRB, kabilang sa mga ruta ay ang mga sumusunod:

⦁ Clark, Pampanga – SM North EDSA
⦁ Clark, Pampanga – NAIA Terminal (with limited stop in Ortigas)
⦁ Clark, Pampanga – Lubao, Pampanga (with specials stops in San Fernando and Angeles City)
⦁ Clark, Pampanga – Dagupan, Pangasinan (with special stops at Rosales and Urdaneta, Pangasinan)
⦁ Clark, Pampanga – Subic, Zambales (with special stop at Dinalupihan, Bataan)
⦁ NAIA/Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) – Baguio City
⦁ Batangas City – Ortigas
⦁ Batangas City – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
⦁ Lipa City, Batangas – Ortigas
⦁ Lipa City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)


Pinapayagang bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Kailangan ng special permit ang mga Provincial P2P PUBs na bibiyahe sa mga inter-regional routes sa labas ng Metro Manila.

Para sa mga mag-a-apply ng Special Permit, i-send ang inyong application sa technical@ltfrb.gov.ph upang makapag-operate.

Bukod sa special permit, kailangan ding sumunod ang mga pick up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial P2P PUB.

Kinakailangan sumunod ng mga PUV sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at local government units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.

Facebook Comments