
Sisimulan na ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang pagtanggal sa 27 abandonadong aircrafts sa general aviation area ng NAIA.
Layon nito na mapaluwag at maging ligtas ang airside operations.
Ayon sa NNIC, kabilang sa kanilang tatanggalin ang isang Cessna 421B na naka-park sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula pa noong 2009.
Habang may Boeing 737-200 din ang umo-okupa sa 865.52 square meters ng North Taxiway Extension mula pa noong 2015.
Pinadalhan na ng NNIC ng notice ang mga may-ari at kinatawan ng kumpanya na nagmamay-ari ng naturang mga eroplano.
At kapag nabigo pa rin silang umaksyon ay itutuloy na ng airport operator ang disposal sa mga aircraft alinsunod sa mga umiiral na batas at panuntunan.
Facebook Comments









