Muling nakapagtala ng dalawangput pitong bagong kaso ng COVID-19 ang City Health office o CHO ng Pasig sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakayat na sa 58,684 ang kabuuang bilang nito ngayon.
27 din ang nadagdag sa mga gumaling na mula sa naturang sakit, kaya naman pumalo na ito ngayon sa 57,042.
Wala naman nadagdag sa bilang ng mga nasawi, kaya naman nananati ang kabuuang bilang nito ngayon sa 1,422.
Nananatili rin sa 220 ang bilang ng aktibong kaso na patuloy na nagpapagaling sa quarantine facilities ng lungsod.
Facebook Comments