27 katao huli sa paglabag sa curfew hour

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala at panawagan ng otoridad sa mga cotabatenyo na mahigpit ang pagbabantay ng ronda team pagsapit ng discipline hour o curfew hour sa apat sa sulok ng lungsod ay marami parin ang pasaway kung saan umabot sa 27 katao ang nahuling lumabag sa area ng PP1 at PP2 noong sabado at linggo. Labing walo ang nahuli sa area ni PCI Efren Salazar habang siyam katao ang nahuli sa area ni PCI Reynaldo Delanten…Halo halo na ang mga lumabag, may menor de edad, binata, estudyante, mga tambay, trisikad driver, laborer at merchandiser…Silang lahat ay kulungan ang bagsak at doon na nagpalipas ng umaga. Silay binigyan din ng reminders at kinuha ang mga pangalan upang sa susunod na paglabag nila sa discipline hour ay meron ng ipapataw na community services at pinapatawag ang mga magulang ng mga bata upang makausap ni mayor Atty.Fances Cynthia Guiani Sayadi.. Mas lalong pinapakas ni mayor Cynthia at Col.Rolly Octavio ang kanilang ronda sa gabi kasama ang mga force multipliers.

Facebook Comments