Tinatayang 27 katao ang nasawi matapos mahulog sa isang bangin ang isang bus sa siyudad ng Sumedang sa West Java, Indonesia.
Nabatid na pauwi na ang bus mula sa excursion lulan ang mga batang estudyante at magulang nang mawalan ng preno ang sasakyan.
Ayon sa Indonesia Transportation Ministry, 39 na indibidwal lamang ang nakaligtas sa insidente.
Agad namang dinala sa pinakamalapit na hospital ang mga nagtamo ng matinding sugat.
Facebook Comments