Patay ang 27 katao at marami pa ang kasalukuyang nawawala, matapos tumaob isang pampasaherong bangka Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal.
Sa inisyal na impormasyon sa atin ng Coast Guard Sub-Station Binangonan, bandang 12:30 nga tanghali nang umalis ang MBCA PRINCESS AYA sa Binangonan para magtungo sa Brgy. Gulod Talim Island.
Ala-una ng hapon nang magsimulang hampasin ng malalakas na hangin ang bangka, dahilan upang magpanic ang mga sakay nitong pasahero.
Dahil dito, nagtungo ang bangka sa port side ng lugar, at doon na ito tumaob.
Sabi naman ng PCG, wala ng babala ng bagyo sa lugar noong bumiyahe ito kaya’t pinayagan itong maglayag.
Inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng casualties—- dahil sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang rescue operation ng Philippine Coast Guard sa lumubog na bangka sa Binangonan, Rizal.