27 metric tons ng mga baboy dumating kaninang umaga sa Metro Manila mula Mindanao

Sa layuning maibsan ang kakulangan ng suplay ng baboy sa Metro Manila, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na dumating na dito sa National Capital Region (NCR) kaninang umaga ang nasa mahigit 26 o 27 metric tons na mga baboy mula sa Mindanao.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dar na nakausap nya kamakailan ang Southern Cotabato Swine Producers Association at nangakong magpapadala ng 10,000 baboy kada linggo dito sa Metro Manila.

Ang mga baboy ay idiniretso sa slaughter house sa Antipolo at dadalhin ang mga ito sa pinakamalapit na pamilihan.


Kasunod nito, nangako rin ang kagawaran sa mga hog raisers na magbibigay sila ng subsidiya.

Ayon kay Dar, P21 sa kada kilo ng baboy na transport assistance ang kanilang ibibigay sa mga hog raisers sa General Santos at iba pang parte ng Mindanao habang P15 ang mula sa Visayas, MIMAROPA, Bicol, Extreme Northern Luzon at P10 transport assistance ang ibibgay sa mga magbababoy sa Calabarzon at Central Luzon.

Facebook Comments