Target ng Department of Education (DepEd) na makapag-enroll ng 27 milyong estudyante sa basic education level para sa School Year 2021-2022.
Sa datos ng DepEd, aabot lamang sa 26.6 million enrollees ang naitala ngayong SY 2020-2021.
Ayon kay Education Undersecretary for Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo, umaasa sila na maaabot ang nasabing bilang ng mga estudyante para sa susunod na pasukan.
Ang target ay batay sa pre-COVID enrollment noong school year 2019-2020 na nasa 27.7 million.
Ang DepEd ay magsasagawa na ng Early Registration mula March 26 hanggang April 30, 2021.
Para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-a-avail ng Early Registration, ang DepEd ay maglalagay ng remote system sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Umapela ang kagawaran sa mga magulang na makilahok agad sa registration period at huwag nang hintayin ang huling araw nito.