Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 27 na bagong kaso ng COVID-19 ang Lambak ng Cagayan na naitala ng DOH 2 kahapon na kinumpirma ngayong araw.
Sa ibinahaging impormasyon ng PIA Region 02, umakyat na sa kabuuang bilang na 668 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos matapos na madagdagan ng 27.
Ang Lalawigan ng Cagayan ay nakapagtala na ngayon ng total cases na 227, pinakamarami ang Isabela na may 349, nasa 33 na ang Santiago City, 56 sa probinsya ng Nueva Vizcaya, 3 sa Quirino habang nananatili namang COVID-19 free hanggang ngayong araw ang probinsya ng Batanes.
Mula naman sa kabuuang bilang na COVID-19 Positive sa rehiyon dos ay nasa 143 ang aktibong kaso rito, nananatili sa 4 ang namatay habang nasa 521 ang mga nakarekober.