Nailigtas ng pinagsanib na operatiba ng Human Trafficking, Organized and Transnational Division, Technical Intelligence Division at Anti-Violence Against Women ng National Bureau of Investigation ang 27 katao na biktima ng human trafficking.
Nagresulta naman ito sa pagkaka-aresto ng sampung katao na responsable sa “Lover Boy Tactic” operation gamit ang Telegram platform sa kanilang modus.
Sa isang press conference, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na sa sampung arestado, anim ay intsik.
Aniya, ang grupo ay nagsasagawa ng human trafficking network sa Shore Residences Pasay City gamit ang social media at online platforms, generative AI, encryption at anonymity tools at online market place sa kanilang illegal sex trade at nag-aalok ng trafficked victims para sa sexual service kasama na ang mga minors.
Pawang mga Chinese umano ang 1 parokyano ng grupo dahil sulat intsik ang pangalan ng site pero mga Pinay ang inaalok sa mga kliyente.
Sinabi ni Santiago na sa 27 naisalbang mga biktima ay 6 dito ay mga minor at ang mga ito ay nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang custody.
Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang klase ng sex toys, mga damit na gamit sa illegal operation.
Samantala, dalawa pang dayuhang suspek na Malaysian at Indonesian ang nahuli din ng NBI gamit ang Facebook account na ‘SLIM’ na may sex trade sa mga Pinay minors mula 13-anyos hanggang 17-anyos.
Ang Slim anya ay nagbibigay ng 6 hanggang 8 babae para makipag-sex sa customer sa halagang P3,000 sa isang rented apartment sa Quezon City.
Ang mga nasakoteng suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act of 2022 at Cybercrime Prevention Act of 2012.