27 Overseas Filipinos, bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 27 na mga Pilipino sa ibayong dagat ang bagong naka-recover sa COVID-19.

21 naman ang bagong kaso habang dalawa ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 20,773 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng nasabing sakit.


Sa nasabing bilang, 7,283 pa ang nagpapagaling habang 12,229 na ang kabuuang gumaling.

1,229 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Facebook Comments