27 Patay, 75 Sugatan Sa Car Bombing Sa Turkey

7

MANILA – Patay ang 27 katao, habang 75 ang sugatan sa pagsabog sa kabisera ng Turkey sa Ankara.Ayon sa isang Security Official, ang pag-atake ay isinagawa sa pamamagitan ng suicide car bomber.Samantala, patay ang labing anim (16) katao sa nangyaring pamamaril ng anim na terorista sa tatlong beach resort sa Ivory Coast.Ayon Kay President Alassane Ouattara, kabilang sa mga nasawi ang apat na european national, isang french national, dalawang sundalo at isang limang taong gulang na bata.Agad naman naibalik sa normal ang sitwasyon kung saan napatay din ang anim na suspek ng mga otoridad.

Facebook Comments