Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makakauwi na ng bansa ang 27 Pinoy crew ng MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, posibleng sa darating na Martes dumating sa bansa ang naturang Pinoy seafarers.
Sa ngayon, inaayos na ang flight ng mga tripulanteng Pinoy.
Sa naturang pag-atake, isang Pinoy crew ang nagtamo ng minor injuries matapos matamaan ng basag na salamin.
Hindi naman napuruhan ng tatlong missiles ng Houthi ang MV Transworld Navigator kaya patuloy itong nakapaglayag patungo sa ligtas na port.
Facebook Comments